Imelda Marcos ay Maikukulong, So ano ngayon?

Ikaw ba ay masaya kapag maikukulong si Imelda Marcos? Ako, Hindi.

Kahit ipakulong mo pa yan, at namatay sa bilanguan dahil may edad na. walang mapapala ang mga ordinaryong pilipino. ang mga makikinabang diyan ay ang mga politiko at abogado na ginagamit ang Imelda kurapsyong isyo para sumikat at makilala ang mga ginagawa para maikulong ang mga may sala.

Pero kung iisipin ng isang ordinaryong mamamayan na katulad ko. Hindi dapat kulong ang hatol kay Emilda Marcos. Dapat diyan, pagmultain siya ng 10 billion piso kung ito man ang kabuuan ng halagang nakulimbat ni Emilda Marcos.

Kapag ikulong mo ngayon yan, bukas namatay dahil sa edad or anuman, so ano ngayon? pera na nga nagiging bato pa. you got what i mean?

Ang mga politiko isusunod na ang mga angkan ng Marcos na hanapan or ipapasa sa kanila ang kaso nina Imelda at Ferdinand Marcos. pero ang mga ordinaryong Pilipino, hinihintay ang susunod na Kabanata. Pero ako, sawangsawa na ako sa paulit-ulit na kabanata. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *